tag:blogger.com,1999:blog-37376037392901463812024-03-08T00:28:34.352-08:00Filipino TulaAn online Web Collection of Filipino Poems!Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.comBlogger13125tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-82668516770513132012-06-09T03:46:00.002-07:002012-06-09T03:46:41.953-07:00Manny Pacquiao Poems

The best pound for pound professional boxer in the World of today

And even the best ever some venture to say

His trainer Freddy Roach was right in saying all along

When he said that to the elite club of boxing Manny Pacquiao belong.

World titles in seven weight divisions Manny is the best

The one never found to be wanting when put to the test

The tough little Philippino bigger men does not fear

World boxing has not seen his like for many a year.

Good to see one so great with such humility

One so down to earth and as humble as can be

A great little champion his stature has grown

One might say of him in a class of his own.

So down to earth and unassuming he is as he seem

The World's greatest professional boxer the fighter supreme

No challenge seems too big for him for to face

A credit to boxing and to his Country and Race.

-Francis Duggan

WATCH PACQUIAO VS BRADLEY LIVE STREAMING FREE

Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-52340818499461055292012-06-07T00:51:00.000-07:002012-06-07T00:51:27.903-07:00Pinatutula Ako

Kung meron mang mga halimbawa ng tula sa panahon ng kastila, eto yung mga tulang isinulat ng ating mga Pambansang Bayani. Kagaya nalang ng mga tula ni Dr. Jose Rizal na "Ang Ligpit kong Tahanan",Pinatutula Ako, Sa Kabataang Pilipino, Kundiman at Huling Paalam. Isa sa mga pinakatumatak sa akin ay ang talang Pinatutula ako.

Iyong hinihiling, lira ay tugtugin
bagaman sira na't laon nang naumid
ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting
pati aking Musa ay nagtago narin.

malungkot na nota ang nasnaw na himig
waring hinuhugot dusa at hinagpis
at ang alingawngaw ay umaaliwiw
sa sarili na ring puso at damdamin.
kaya nga't sa gitna niring aking hapis
yaring kalul'wa ko'y parang namamanhid.

Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay
ang mga araw na matuling nagdaan
nang ako sa akong Musa'y napamahal
lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.

ngunit marami nang lumipas na araw
sa aking damdamin alaala'y naiwan
katulad ng saya at kaligayahan
kapag dumaan na'y may hiwagang taglay
na mga awiting animo'y lumulutang
sa aking gunitang malabo, malamlam.

Katulad ko'y binhing binunot na tanim
sa nilagakan kong Silangang lupain
pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw
manirahan doo'y sayang walang maliw.

ang bayan kong ito, na lubhang marikit
sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit
ibong malalaya, nangagsisiawit
mulang kabundukan, lagaslas ng tubig
ang halik ng dagat sa buhangin mandin
lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang
masayang batiin ang sikat ng araw
habang sa diwa ko'y waring naglalatang
silakbo ng isang kumukulong bulkan.

laon nang makata, kaya't ako nama'y
laging nagnanais na aking tawagan
sa diwa at tula, hanging nagduruyan:
"Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,
angking kabantugan ay ipaghiyawan
mataas, mababa'y, hayaang magpisan".

Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-79566364451495022012012-06-07T00:02:00.001-07:002012-06-07T00:02:21.065-07:00Mga Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

Mula sa Mga Manunulat ng Nueva Ecija, ay ang "Mga Maiikling Tula Para Sa Wika" ni Miguel R. Santos. Alam naman nating kung gaano kahalaga ang Wikang Filipino sa ating buhay kaya naman narito ang mga tula tungkol sa Wikang Filipino.

May sariling wika ang ibon at isda,
Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.
Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wika
Itaguyod natin ang wikang pambansa.

Bakit mahalaga ang sariling wika?
Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.
Wika rin ang buklod ng puso at diwa
Nang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.

Wikang Pilipino pag ating ginamit
Mangagkakaisa ang puso at isip.
Hangaring umunlad ating makakamit,
Sa mga dayuha'y hindi palulupig.
Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,
Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,
Sila'y mauunlad; at ang wika nila?
Ang sariling wika, di wika ng iba.

Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,
Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,
Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,
Binubuo natin, wikang Pilipino.

Mga taga Luson, Mindanaw, Bisaya,
Iba't ibang lipi, iba't ibang diwa.
Sila'y binubuklod ng iisang wika,
Mamamayang lahat nitong ating bansa.

Sa bansa kong ito'y isa lang ang wika,
Wikang Pilipinong bigay ni Bathala.
Masining ang kanyang awitin at tula,
Lubha ring malalim, kanyang talinhaga.
Wikang Pilipino'y maraming wikain,
Mahigit pitumpo kapag bibilangin.
Magpatuloy tayo na ito'y gamitin
Sino mang dayuha'y di kayang lupigin.

Mula sa aklat na "Ang Agham sa Tula... Ang Tula sa Agham At Mga Kathang Makasining" © 2004
Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-39249149461796956442011-07-16T07:38:00.000-07:002011-07-16T07:38:32.901-07:00KAMALAYAN ni Elmo C. VillanuevaHere's to share, isang tula mula sa Aklat ng "Yaman Ng Wika at Panitikan".

Kamalayan

Sino S'ya Mama?

Bakit S'ya hingi pera?

"Pulubi kasi s'ya, iha"

Wala ka bang barya, Mama?

Sino sila Mama?

Ano hanap nila sa basura?

"Naghahanap sila ng pera, iha."

Tinatapon din ba ang pera?

Sino S'ya, Mama?

Bakit higa siya kalsada?

"Baka wala s'yang bahay, iha".

Sino kuha bahay niya?

Mama, bakit mo sara

bintana ng kotse?

"Mabaho kasi dito, iha."

Masama ba umamoy ng mabaho, Mama?

Mama, bakit tayo iba?

Bakit ganoon sila?

Umiiyak ka, Mama?

Bakit?

---end---

Isang tulang kalsada, kung ako'y iyong tatanungin. Maraming taon na ang nag-daan, ilang bata na kaya ang nakapagtanong ng mga ganong klaseng katanungan sa kanilang mga magulang? Masakit mang isipin, mahirap mang tangapin - eto ang katotohanan, mapag-sa-hanggang-ngayon. :(Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-91539847707735065962010-12-06T09:47:00.000-08:002010-12-06T09:47:12.161-08:00Jose Rizal's "HULING PAALAM" | Tula Ni Jose Rizal
If there is anyone that has contributed one of the best poems in the Philippine history it is our very own National Hero.Dr. Jose Rizal at isa sa mga Tula ni Jose Rizal ay ang Huling Paalam na naisulat sa wikang espanyol at isinalin ng Filipino revolutionary hero na si Andres Bonifacio.

HULING PAALAM

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,

Lupang iniirog ng sikat ng araw,

mutyang mahalaga sa dagat Silangan,

kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot

ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

maging maringal man at labis ang alindog

sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis

ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,

walang agam-agam, maluwag sa dibdib,

matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,

cipres o laurel, lirio ma'y patungan

pakikipaghamok, at ang bibitayan,

yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas

na sa Silanganan ay namamanaag

yaong maligayang araw na sisikat

sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan

na maitina sa iyong liwayway,

dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang

ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip

noong kasalukuyang bata pang maliit,

ay ang tanghaling ka at minsang masilip

sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,

taas na ang noo't walang kapootan,

walang bakas kunot ng kapighatian

gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita

maningas na aking ninanasa-nasa

ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa

paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang

akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,

hininga'y malagot, mabuhay ka lamang

bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas

sa malagong damo mahinhing bulaklak,

sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,

sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,

sa lamig ng lupa ng aking libingan,

ang init ng iyong paghingang dalisay

at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig

ang liwanag niyang lamlam at tahimik,

liwayway bayaang sa aki'y ihatid

magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong

sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,

doon ay bayaan humuning hinahon

at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

ula'y pasingawin noong kainitan,

magbalik sa langit ng buong dalisay

kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw

tangisang maagang sa buhay pagkitil;

kung tungkol sa akin ay may manalangin

idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,

Nangag-tiis hirap na walang kapantay;

mga ina naming walang kapalaran

na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,

ang mga bilanggong nagsisipagdusa;

dalanginin namang kanilang makita

ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libinga't

tanging mga patay ang nangaglalamay,

huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;

kaipala'y marinig doon ang taginting,

tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,

ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat

at wala ng kurus at batong mabakas,

bayaang linangin ng taong masipag,

lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw,

mauwi sa wala at kusang maparam,

alabok na iyong latag ay bayaang

siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin

na ako sa limot iyong ihabilin,

pagka't himpapawid at ang panganorin,

mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,

ilaw, mga kulay, masamyong pabango,

ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,

pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,

Katagalugan kong pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas;

diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,

walang umiinis at berdugong hayop;

pananalig doo'y di nakasasalot,

si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid

kapilas ng aking kaluluwa't dibdib

mga kaibigan, bata pang maliit,

sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,

paalam estranherang kasuyo ko't aliw,

paalam sa inyo, mga ginigiliw;

mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-39672161470228064132010-09-10T10:40:00.000-07:002010-09-10T10:40:51.208-07:00Environmental Poems TagalogHere's an enviromental poem I got after Googling for Environmental poems concerning issues about the environment.

Environment

What is the true state of the environment. You have the politicians on the left telling you that there is undeniable evidence of global warming. Thousands of species become extinct every day because we are cutting down the rain forests. All around the earth, environmentalists are pointing out devastation. On the other hand those on the right would have us believe that the earth is perfectly fine. They say that all of the changes that the earth is going through are perfectly OK and that we have nothing to worry about. Who is right?

Environment By Family Friend Poems / CC BY 3.0

Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-85527844633910288852010-09-10T10:37:00.000-07:002010-09-10T10:37:14.907-07:00Tula tungkol sa KalikasanKayganda talagang basahin o pakingan ang mga tula tungkol sa kalikasan, i-shi-share ko lang po itong tulang pinamagatang Tula ng High School para sa Kalikasan ni Edbhert.

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman

Bahagi na ito ng aking kabataan.

Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.

Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.

Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.

Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.

Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.

Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.

Madaming bulaklak kahit saan tumingin.

Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.

Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.

May dalang himig sa musikero’t makata,

Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,

Kung ang kalikasan ay mapababayaan.

Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.

Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.
Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com44tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-77571351021718591842010-09-06T04:10:00.001-07:002010-09-06T04:10:08.818-07:00Panatang Makabayan (Tula)Di naman siguro lingid sa ating kaalaman ang tulang ito.Ang tula na lagi nating tinutula sa tuwing kaumagahan sa kanya kanyang eskwelahan sa elementarya.Ngayon, nasa ibaba ang tulang Makabayan.

Ako ay Pilipino

Buong katapatang nanunumpa

Sa watawat ng Pilipinas

At sa bansang kanyang sinasagisag

Na may dangal, katarungan at kalayaan

Na ipinakikilos ang sambayanang

Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at,

Makabansa.
Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-32009069821155720952010-09-05T09:15:00.000-07:002010-09-05T09:15:26.889-07:00Filipino Poem: KAY AMA by Emelita PerezNagising nga akong tila nangangarap na isang anino

sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;

sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto

nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.

Siya’y naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali,

ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng panunubali;

kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim na tangi

ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang nagmumuni.

Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na pagkakalayo

na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto;

at pati ang langit ng bagong umaga’y waring nagdurugo

at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.

Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso,

kanyang inulila’y may bakat ng luhang sa pisngi dumapo;

kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo

at may nakalaang tiising pasanin sa kanya’y titimo.

Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol,

dadamhi’y pangako sa luksang pangarap na tinatalunton;

tataas ang mukha’t lalong kikisig pa sa taglay na suot

at damdaming ama’y hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-6215352673717616012010-06-27T03:27:00.000-07:002010-06-27T03:27:31.272-07:00Elemento Ng Tula
<object height="355" id="__sse1129802" width="425"><param name="movie" value="http://static.slidesharecdn.com/swf/ssplayer2.swf?doc=elementongtula-090311172947-phpapp02&stripped_title=elemento-ng-tula-1129802" /><param name="allowFullScreen" value="true"/><param name="allowScriptAccess" value="always"/><embed name="__sse1129802" src="http://static.slidesharecdn.com/swf/ssplayer2.swf?doc=elementongtula-090311172947-phpapp02&stripped_title=elemento-ng-tula-1129802" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="465" height="355"></embed></object>

Mga Elemento ng Tula

a. Tugma

- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma

1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig

2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y

b. Sukat

- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod

c. Paksa

- maraming maaaring maging paksa ang isang tula

d. Tayutay

- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula

e. Tono/Indayog

- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula

f. Persona

- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula

- una, ikalawa o ikatlong panauhan

g. Kariktan ng tula

- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa
Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com9tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-53028751195678393292010-06-25T10:08:00.000-07:002010-06-25T10:33:51.756-07:00Mga Uri Ng TulaAng Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Uri ng Tulang Liriko
Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.

Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.

Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.

b. Awit at kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

Ang iba sa mga impormasyong makukuha dito ay base sa research na itinalaga at nalikom mula rin sa internet.
Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com27tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-69145911586493157132010-06-24T03:27:00.000-07:002010-06-24T03:28:55.622-07:00ANO ANG MGA ANYO NG TULA?Anyo ng Tula? Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na bahagi na nauna na namin nailimbag sa nakaraang artikulo.Ito ay ang Malayang taludturan, Tradisyonal, May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.Upang maintindihan ng mabuti, ay iisa-isahin kong ipaliwanag ang bawat anyo ng tula.

Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunit dapat manatili ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala niya Sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.

Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.

Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT.

Sa makatuwid pito lahat ang anyo ng tula.Ang tatlong natitira ay espesyal dahil sa kung anong kadahilan na inyong malalaman sa ilang saglit lamang.Ang tatlong ito ay nabibilang sa katutubong uri ng mga tula.Isang katibayan na di pa sinisilang si Francisco Balagtas o kung sino mang sikat at bihasa sa larangan ng ganitong panitikan ay mayaman na tayong mga Pilipino sa pagkamalikhain lalo na sa pagbuo ng mga tula.

Mga Katutubong Anyo ng Tula

DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Pinagmulan: http://www.english-to-tagalog.com/tula.html

Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-3737603739290146381.post-58893672614848166392010-06-23T10:57:00.000-07:002010-06-24T02:42:53.153-07:00ANO NGA BA ANG TULA?Ano Ang Tula? Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.

Mga anyo ng tula

Malayang taludturan

Tradisyonal

May sukat na walang tugma

Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula

Liriko o pandamdaming tula ○

Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman

Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.

Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan

Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)

Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro

Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari

Naratibo o nagsasalaysay

Padula/Drama

Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa:bal agtasan

Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang

Balagtasan

Duple

Mga sangkap ng tula o Elemento ng tula

1. Sukat

2. Tugma

3. Tayutay

4.Ritmo

a. Pagtutulad

b. Pagwawangis

c. Pagsasatao

d. Pagmamalabis

e. Pagpapalit saklaw

f. Balintunay

4. Karigtigan

5. Symbolo

6.Anyo

7.Tono

8.Persona

9.Saknong

10.Kaanyuan

11.Karikitan

12. Indayog

Marami naring depinisyon ang nailathala at naibahagi tungkol sa kahulugan ng tula at hanggang sa ngayon ay may kalayaan ang kahit sino na magbigay ng personal opinyon o kahulugan ng tula base na rin sa interpretasyon ukol dito.

Iilan ding magigiting na manunulat ang nagbigat kahulugan sa panunula o tula.Isa na dito ay si Edgar Allan Poe na kilala sa buong sanlibutan dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula.Ayon sa kanya ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan.Sa isang banda naman, Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng LIKHA at ang makata ay tinatawag na MANLILIKHA. Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.

Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting. Ang tula ay walang di nagagawang paksain. Ang paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong malapit sa katotohanan kaysa istorya at ayon din kay Alexander Pope ay higit na maringal ang katotohanan kung nakadamit sa tula"

Hindi lang sila ang maaaring magbigay kahulugan sa tula -maging kayo rin! Kaya maging malikhain sapagkat sa aking palagay Ang tula ay isang pagpapahayag ng kung anong nais sambitin ng puso na maitatanging obra maestra at siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa buhay natin.Maki Cabrerahttp://www.blogger.com/profile/04589919502962027979noreply@blogger.com0