The most comprehensive collection of Filipino Poems online. Written by Filipinos, Shared by Philippine Literature Enthusiasts and by Students.

Saturday, June 9, 2012

Manny Pacquiao Poems


The best pound for pound professional boxer in the World of today
And even the best ever some venture to say
His trainer Freddy Roach was right in saying all along
When he said that to the elite club of boxing Manny Pacquiao belong.

World titles in seven weight divisions Manny is the best
The one never found to be wanting when put to the test
The tough little Philippino bigger men does not fear
World boxing has not seen his like for many a year.

Good to see one so great with such humility
One so down to earth and as humble as can be
A great little champion his stature has grown
One might say of him in a class of his own.

So down to earth and unassuming he is as he seem
The World's greatest professional boxer the fighter supreme
No challenge seems too big for him for to face
A credit to boxing and to his Country and Race.

-Francis Duggan

WATCH PACQUIAO VS BRADLEY LIVE STREAMING FREE

Thursday, June 7, 2012

Pinatutula Ako

Kung meron mang mga halimbawa ng tula sa panahon ng kastila, eto yung mga tulang isinulat ng ating mga Pambansang Bayani. Kagaya nalang ng mga tula ni Dr. Jose Rizal na "Ang Ligpit kong Tahanan",Pinatutula Ako, Sa Kabataang Pilipino, Kundiman at Huling Paalam. Isa sa mga pinakatumatak sa akin ay ang talang Pinatutula ako.


Iyong hinihiling, lira ay tugtugin bagaman sira na't laon nang naumid ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting pati aking Musa ay nagtago narin.

malungkot na nota ang nasnaw na himig waring hinuhugot dusa at hinagpis at ang alingawngaw ay umaaliwiw sa sarili na ring puso at damdamin. kaya nga't sa gitna niring aking hapis yaring kalul'wa ko'y parang namamanhid.

Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay ang mga araw na matuling nagdaan nang ako sa akong Musa'y napamahal lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.

ngunit marami nang lumipas na araw sa aking damdamin alaala'y naiwan katulad ng saya at kaligayahan kapag dumaan na'y may hiwagang taglay na mga awiting animo'y lumulutang sa aking gunitang malabo, malamlam.

Katulad ko'y binhing binunot na tanim sa nilagakan kong Silangang lupain pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw manirahan doo'y sayang walang maliw.

ang bayan kong ito, na lubhang marikit sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit ibong malalaya, nangagsisiawit mulang kabundukan, lagaslas ng tubig ang halik ng dagat sa buhangin mandin lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang masayang batiin ang sikat ng araw habang sa diwa ko'y waring naglalatang silakbo ng isang kumukulong bulkan.

laon nang makata, kaya't ako nama'y laging nagnanais na aking tawagan sa diwa at tula, hanging nagduruyan: "Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan, angking kabantugan ay ipaghiyawan mataas, mababa'y, hayaang magpisan".

Mga Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

Mula sa Mga Manunulat ng Nueva Ecija, ay ang "Mga Maiikling Tula Para Sa Wika" ni Miguel R. Santos. Alam naman nating kung gaano kahalaga ang Wikang Filipino sa ating buhay kaya naman narito ang mga tula tungkol sa Wikang Filipino.



  • May sariling wika ang ibon at isda, Iba ang sa aso, iba ang sa pusa. Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wika Itaguyod natin ang wikang pambansa.


  • Bakit mahalaga ang sariling wika? Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa. Wika rin ang buklod ng puso at diwa Nang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.


  • Wikang Pilipino pag ating ginamit Mangagkakaisa ang puso at isip. Hangaring umunlad ating makakamit, Sa mga dayuha'y hindi palulupig. Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya, Maging taga Rusya, Hapon, Amerika, Sila'y mauunlad; at ang wika nila? Ang sariling wika, di wika ng iba.


  • Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano, Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano, Kapampangan sila, iba'y Sibuwano, Binubuo natin, wikang Pilipino.


  • Mga taga Luson, Mindanaw, Bisaya, Iba't ibang lipi, iba't ibang diwa. Sila'y binubuklod ng iisang wika, Mamamayang lahat nitong ating bansa.


  • Sa bansa kong ito'y isa lang ang wika, Wikang Pilipinong bigay ni Bathala. Masining ang kanyang awitin at tula, Lubha ring malalim, kanyang talinhaga. Wikang Pilipino'y maraming wikain, Mahigit pitumpo kapag bibilangin. Magpatuloy tayo na ito'y gamitin Sino mang dayuha'y di kayang lupigin.

Mula sa aklat na "Ang Agham sa Tula... Ang Tula sa Agham At Mga Kathang Makasining" © 2004

Saturday, July 16, 2011

KAMALAYAN ni Elmo C. Villanueva

Here's to share, isang tula mula sa Aklat ng "Yaman Ng Wika at Panitikan".

Kamalayan

Sino S'ya Mama?
Bakit S'ya hingi pera?
"Pulubi kasi s'ya, iha"
Wala ka bang barya, Mama?

Sino sila Mama?
Ano hanap nila sa basura?
"Naghahanap sila ng pera, iha."
Tinatapon din ba ang pera?

Sino S'ya, Mama?
Bakit higa siya kalsada?
"Baka wala s'yang bahay, iha".
Sino kuha bahay niya?

Mama, bakit mo sara
bintana ng kotse?
"Mabaho kasi dito, iha."
Masama ba umamoy ng mabaho, Mama?

Mama, bakit tayo iba?
Bakit ganoon sila?

Umiiyak ka, Mama?
Bakit?

---end---


Isang tulang kalsada, kung ako'y iyong tatanungin. Maraming taon na ang nag-daan, ilang bata na kaya ang nakapagtanong ng mga ganong klaseng katanungan sa kanilang mga magulang? Masakit mang isipin, mahirap mang tangapin - eto ang katotohanan, mapag-sa-hanggang-ngayon. :(

Monday, December 6, 2010

Jose Rizal's "HULING PAALAM" | Tula Ni Jose Rizal

If there is anyone that has contributed one of the best poems in the Philippine history it is our very own National Hero.Dr. Jose Rizal at isa sa mga Tula ni Jose Rizal ay ang Huling Paalam na naisulat sa wikang espanyol at isinalin ng Filipino revolutionary hero na si Andres Bonifacio.

HULING PAALAM

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.


Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.


Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Friday, September 10, 2010

Environmental Poems Tagalog

Here's an enviromental poem I got after Googling for Environmental poems concerning issues about the environment.





What is the true state of the environment. You have the politicians on the left telling you that there is undeniable evidence of global warming. Thousands of species become extinct every day because we are cutting down the rain forests. All around the earth, environmentalists are pointing out devastation. On the other hand those on the right would have us believe that the earth is perfectly fine. They say that all of the changes that the earth is going through are perfectly OK and that we have nothing to worry about. Who is right?


 

Tula tungkol sa Kalikasan

Kayganda talagang basahin o pakingan ang mga tula tungkol sa kalikasan, i-shi-share ko lang po itong tulang pinamagatang Tula ng High School para sa Kalikasan ni Edbhert.

Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.

Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.

Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.

Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.