Friday, September 10, 2010
Environmental Poems Tagalog
Here's an enviromental poem I got after Googling for Environmental poems concerning issues about the environment.
What is the true state of the environment. You have the politicians on the left telling you that there is undeniable evidence of global warming. Thousands of species become extinct every day because we are cutting down the rain forests. All around the earth, environmentalists are pointing out devastation. On the other hand those on the right would have us believe that the earth is perfectly fine. They say that all of the changes that the earth is going through are perfectly OK and that we have nothing to worry about. Who is right?
Labels:
poems,
tula tungkol sa kalikasan
Tula tungkol sa Kalikasan
Kayganda talagang basahin o pakingan ang mga tula tungkol sa kalikasan, i-shi-share ko lang po itong tulang pinamagatang Tula ng High School para sa Kalikasan ni Edbhert.
Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.
Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.
Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.
Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.
Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.
Labels:
tula tungkol sa kalikasan
Monday, September 6, 2010
Panatang Makabayan (Tula)
Di naman siguro lingid sa ating kaalaman ang tulang ito.Ang tula na lagi nating tinutula sa tuwing kaumagahan sa kanya kanyang eskwelahan sa elementarya.Ngayon, nasa ibaba ang tulang Makabayan.
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na ipinakikilos ang sambayanang
Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at,
Makabansa.
Labels:
bayan,
filipino tula,
panata,
panatang makabayan
Sunday, September 5, 2010
Filipino Poem: KAY AMA by Emelita Perez
Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.
Siya’y naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali,
ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng panunubali;
kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim na tangi
ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang nagmumuni.
Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na pagkakalayo
na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto;
at pati ang langit ng bagong umaga’y waring nagdurugo
at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.
Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso,
kanyang inulila’y may bakat ng luhang sa pisngi dumapo;
kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo
at may nakalaang tiising pasanin sa kanya’y titimo.
Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol,
dadamhi’y pangako sa luksang pangarap na tinatalunton;
tataas ang mukha’t lalong kikisig pa sa taglay na suot
at damdaming ama’y hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!

kay ama
Subscribe to:
Posts (Atom)