Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.
Ang gubat sa bundok ay gubat ng yaman.
Pagkat sari-saring buhay dito matatagpuan.
Ang sinag ng araw ditto ay walang kasing kinang.
Ang himig ng hangin may dalang katahimikan.
Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.
Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.
Ang pagbabago ay hindi makakamtan,
Kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.
Friday, September 10, 2010
Tula tungkol sa Kalikasan
Kayganda talagang basahin o pakingan ang mga tula tungkol sa kalikasan, i-shi-share ko lang po itong tulang pinamagatang Tula ng High School para sa Kalikasan ni Edbhert.
Labels:
tula tungkol sa kalikasan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
thank you po :)
ilan po ang sukat nitong tula n ito?
wawaluhin? lalabindalawahin? o iba p?
sino pong nagsulat nitong tula? binabalak kasi namin na basahin ito sa isang "event". sana masagot kami agad. salamat!
wla itong sukat sapgkat iba iba ang bilang ng syllables sa bawat saknong!!!!!!!!!!
salamat po nang madamii
malaking tulong po kasi ito sa aming proyekto :)
Dahil sa iyong Tula
Ang group 1 ay masaya
Maraming Salamat sa iyo
Dahil malaki ang naitulong nito
II-EZEKIEL Mabalacat National HighSchool
Gandeza, John Gregory
ang gubat ay kayamanan kaya wag natin putulin ang mga puno..
Free Article Submission
salamat sa tula na ito natuto pa ko!!! tapos pwede ko pa paprint !!!!! hahah ^^ :)
ang laking tulong neto sa aming proyekto sa filipino!!!! ;)
ano po ang title nito?
ANG GANDA NG TULA NA ITO...
Maraming salamat po sa gumawa ng tulang ito :) it helps a lot !!!!!
maraming salamat po sa itong tula sapagkat totoo naman
pwede ko po ba ito gamitin pra sa aming proyekto?? gusto ko po sana itong gawin kanta?? kung ako po ay papayagan ninyo?? pwede po ba??
pede po bang mahiram... gagamitin ko po sa talumpati ko... kaya lang.. sino po ang author nitong tula.. ano po yung magandang title..para dito.. sana po po makapagreply kayo.. maraming salamat... mhalvz_magic@yahoo.com
Kung sino man po ang gumawa ng tula, salamat po! :)
sino po ung writer nito?
tnx
Post a Comment