The most comprehensive collection of Filipino Poems online. Written by Filipinos, Shared by Philippine Literature Enthusiasts and by Students.

Saturday, July 16, 2011

KAMALAYAN ni Elmo C. Villanueva

Here's to share, isang tula mula sa Aklat ng "Yaman Ng Wika at Panitikan".

Kamalayan

Sino S'ya Mama?
Bakit S'ya hingi pera?
"Pulubi kasi s'ya, iha"
Wala ka bang barya, Mama?

Sino sila Mama?
Ano hanap nila sa basura?
"Naghahanap sila ng pera, iha."
Tinatapon din ba ang pera?

Sino S'ya, Mama?
Bakit higa siya kalsada?
"Baka wala s'yang bahay, iha".
Sino kuha bahay niya?

Mama, bakit mo sara
bintana ng kotse?
"Mabaho kasi dito, iha."
Masama ba umamoy ng mabaho, Mama?

Mama, bakit tayo iba?
Bakit ganoon sila?

Umiiyak ka, Mama?
Bakit?

---end---


Isang tulang kalsada, kung ako'y iyong tatanungin. Maraming taon na ang nag-daan, ilang bata na kaya ang nakapagtanong ng mga ganong klaseng katanungan sa kanilang mga magulang? Masakit mang isipin, mahirap mang tangapin - eto ang katotohanan, mapag-sa-hanggang-ngayon. :(

3 comments:

Anonymous said...

Very clear and precise.Good idea to post your whole submission
Sample Friend Thank you Letter

rhode said...

Napakagandang tula ang naisulat mo ...


Free Article Submission

Unknown said...

Totoong totoo ito. napaka ganda ng tula.

Post a Comment