The most comprehensive collection of Filipino Poems online. Written by Filipinos, Shared by Philippine Literature Enthusiasts and by Students.

Thursday, June 24, 2010

ANO ANG MGA ANYO NG TULA?

Anyo ng Tula? Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na bahagi na nauna na namin nailimbag sa nakaraang artikulo.Ito ay ang Malayang taludturan, Tradisyonal, May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.Upang maintindihan ng mabuti, ay iisa-isahin kong ipaliwanag ang bawat anyo ng tula.


Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunit dapat manatili ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala niya Sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.

Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.

Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT.

Sa makatuwid pito lahat ang anyo ng tula.Ang tatlong natitira ay espesyal dahil sa kung anong kadahilan na inyong malalaman sa ilang saglit lamang.Ang tatlong ito ay nabibilang sa katutubong uri ng mga tula.Isang katibayan na di pa sinisilang si Francisco Balagtas o kung sino mang sikat at bihasa sa larangan ng ganitong panitikan ay mayaman na tayong mga Pilipino sa pagkamalikhain lalo na sa pagbuo ng mga tula.

Mga Katutubong Anyo ng Tula


DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Pinagmulan: http://www.english-to-tagalog.com/tula.html

0 comments:

Post a Comment