The most comprehensive collection of Filipino Poems online. Written by Filipinos, Shared by Philippine Literature Enthusiasts and by Students.

Wednesday, June 23, 2010

ANO NGA BA ANG TULA?

Ano Ang Tula? Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.

     Mga anyo ng tula 

    • Malayang taludturan 
    • Tradisyonal 
    • May sukat na walang tugma 
    • Walang sukat na may tugma

    Mga uri ng tula 

    • Liriko o pandamdaming tula ○
    •  Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman 
    •  Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan. 
    •  Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
    •  Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) 
    •  Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro 
    •  Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari 
    • Naratibo o nagsasalaysay 
    • Padula/Drama 
    • Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa:bal agtasan 
    •  Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
    • Balagtasan
    • Duple

    Mga sangkap ng tula o Elemento ng tula

    • 1. Sukat
    • 2. Tugma
    • 3. Tayutay
    • 4.Ritmo
    • a. Pagtutulad
    • b. Pagwawangis
    • c. Pagsasatao
    • d. Pagmamalabis
    • e. Pagpapalit saklaw
    • f. Balintunay
    • 4. Karigtigan
    • 5. Symbolo
    • 6.Anyo
    • 7.Tono
    • 8.Persona
    • 9.Saknong
    • 10.Kaanyuan
    • 11.Karikitan
    • 12. Indayog

Marami naring depinisyon ang nailathala at naibahagi tungkol sa kahulugan ng tula at hanggang sa ngayon ay may kalayaan ang kahit sino na magbigay ng personal opinyon o kahulugan ng tula base na rin sa interpretasyon ukol dito.

Iilan ding magigiting na manunulat ang nagbigat kahulugan sa panunula o tula.Isa na dito ay si Edgar Allan Poe na kilala sa buong sanlibutan dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula.Ayon sa kanya ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan.Sa isang banda naman, Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng LIKHA at ang makata ay tinatawag na MANLILIKHA. Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.

Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting. Ang tula ay walang di nagagawang paksain. Ang paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong malapit sa katotohanan kaysa istorya at ayon din kay Alexander Pope ay higit na maringal ang katotohanan kung nakadamit sa tula"

Hindi lang sila ang maaaring magbigay kahulugan sa tula -maging kayo rin! Kaya maging malikhain sapagkat sa aking palagay Ang tula ay isang pagpapahayag ng kung anong nais sambitin ng puso na maitatanging obra maestra at siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa buhay natin.

0 comments:

Post a Comment